^

Metro

6 obrero sinalvage sa Caloocan

-
Sabog ang mga ulo at tadtad ng tama ng bala sa katawan ang anim na obrero matapos na pagbabarilin ng mataas na kalibre ng baril ng may 10 kalalakihan sa loob ng isang subdivision sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-the-spot ang mga biktima na apat dito ay kinilala ng mga awtoridad na sina Arthur Cadorna, Ramon Villanueva, Jefferson Agipanan at Jun Azuero, pawang mga trabahador sa King Dragon Melting Aluminum na matatagpuan sa Sto. Niño, Meycauayan, Bulacan. Sila ay positibong kinilala ng kanilang mga kaanak na nagtungo sa crime scene.

Ayon kay Northern Police District (NPD) director Chief Supt. Leopoldo Bataoil, dakong alas-7:05 ng umaga nang makita ng ilang sibilyan ang mga nakahandusay at duguang mga katawan ng mga biktima sa Nova Romania Subdivision sa Deparo na agad na pinagbigay-alam sa himpilan ng pulisya.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO4 Antonio Ramos, ng Criminal Investigation Division ng Caloocan City Police, tadtad ng tama ng punglo sa ulo at katawan ang mga biktima matapos na makarekober ng basyo ng bala ng armalite at .9mm pistola sa crime scene dakong alas-7:20 ng umaga.

Ayon kay Supt. Nap Cuaton, posibleng pinagsama-sama ang mga biktima, pinaupo at pinaluhod ng mga suspect sa nasabing lugar bago pinaputukan ng sunud-sunod. Nagmamaka-awa din ang mga biktima batay na rin sa ayos ng mga kamay nito na nakapatong sa kanilang ulo.

Nauna rito, sinabi ng ilang saksi na kanilang naispatan ang isang AUV van sakay ang mga biktima at ilang kalalakihan papasok sa nasabing subdibisyon bago mag-alas-2 ng madaling araw.Iniutos naman ni Cuaton sa kanyang mga tauhan na magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa motibo nang pagpatay sa mga nabanggit na manggagawa. (Ellen Fernando)

ANTONIO RAMOS

ARTHUR CADORNA

AYON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DRAGON MELTING ALUMINUM

ELLEN FERNANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with