^

Metro

50 sasakyan, na-impound sa ‘No Plate, No Travel’ policy

-
Umaabot sa 50 sasakyan ang kasalukuyang naka-impound sa Kampo Karingal matapos na maispatan ng mga tauhan ng Quezon City Police District at National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Ayon kay NCRPO chief Director Reynaldo Barilla, hindi napigilan ng bagyong Milenyo ang pagsasagawa ng checkpoints at monitoring ng kanyang mga pulis upang mahuli ang mga sasakyang lumalabag sa "No Plate, No Travel" policy na ipinatutupad ng Philippine National Police.

Aniya, kailangan pa ring maging alerto ng mga pulis kaugnay na rin ng posibilidad na umatake ang mga sindikato o terorista sa kasagsagan ng kalamidad.

Nabatid kay Barilla na nagsimulang manghuli ng mga walang plakang sasakyan ang mga pulis noong Huwebes sa gitna ng hagupit ni Milenyo.

Kadalasan umanong nagsasagawa ng modus operandi ang mga sindikato sa mga hindi inaasahang panahon.

Samantala, inatasan din ni Barilla ang mga pulis na magsagawa ng mga pag-iikot sa mga lugar na apektado pa rin ng brownout sa pangamba na sumalakay ang mga kriminal tulad ng snatcher, holdaper at mga miyembro ng Akyat-Bahay Gang. (Doris Franche)

AKYAT-BAHAY GANG

DIRECTOR REYNALDO BARILLA

DORIS FRANCHE

KAMPO KARINGAL

MILENYO

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

NO PLATE

NO TRAVEL

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with