2 patay sa generator

Dalawa katao ang patay kabilang ang isang may-ari ng KTV Bar matapos na magliyab nang tangkaing paandarin ang generator sa loob ng nasabing establisimyento kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Dead-on-arrival sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Reggie Diaz, 28, may-ari ng Wild Planet KTV and Disco Bar samantalang namatay din habang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio ang isa pang biktima na nakilala lamang sa pangalang Alex. Ang dalawa ay kapwa residente ng Blk. 37 Laong Laan St. Pajo, Caloocan City.

Ayon ay Chief Insp. Alejandro Yanquiling, Jr., hepe ng Manila Police District-Homicide Division na naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi sa loob ng naturang KTV.

Nabatid na tinangka ni Alex na paandarin ang generator dahil na rin sa kawalan ng kuryente dulot ng nagdaang bagyo. Subalit laking gulat nito at ng iba pang empleyado nang biglang magbuga ng makapal na usok ang generator at nag-apoy.

Bunga nito,tinangka ni Diaz na iligtas si Alex subalit nadamay din ito at hindi na nakahinga.

Nagtamo rin ng pagkasunog ang katawan ng dalawang biktima.

Show comments