^

Metro

2 yate tinangay ng alon, 2 tripulante nawawala

-
Tinangay ng napakalakas na alon sa Manila Bay ang dalawang yate na nakadaong sa Manila Yacht Club kung saan nailigtas ang 12 tripulante ngunit patuloy na nawawala ang dalawa pang tauhan nito.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), tinangay kamakalawa ng gabi ng malalaking alon ang M/Y Tri-Star na may sakay na anim na tripulante at ang M/Y Limahong na may lulan namang pitong tauhan. Kapwa natagpuan naman ng search and rescue team ng PCG ang dalawang yate sa bisinidad ng Manila Bay kung saan nasagip ang anim sa pitong tripulante ng M/Y Limahong. Hindi pa naipapalabas ng PCG ang pangalan ng mga nasagip.

Nasagip din naman ng PCG ang anim na sakay ng M/Y Tri-Star sa pangunguna ni Capt. Francis Dimayacyac, Mario Azul, Marlon Hapitat, Melody de San Jose, Ludy Gallardo at Melo Cenon. Isa pang hindi kinikilalang tripulante ang patuloy na nawawala. Ayon kay Capt. Dimayacyac, nakadaong sila sa breakwater ng Parola Cmpd. nang hampasin ng malalakas na alon dakong ala-1 kamakalawa ng hapon sa kasagsagan ng bagyong Milenyo. Tinangka pa nilang bumalik sa Manila Yacht Club ngunit lumubog na sila. Nagawa naman nilang makatalon suot ang mga life vests at tinangay hanggang sa karagatan ng Samal, Bataan kung saan sila nailigtas.

Samantala, nailigtas din ng PCG ang walong mangingisda buhat sa Navotas City na tatlong araw nang palutang-lutang sa karagatan matapos na lumubog ang kanilang barkong pangisda. Ayon sa ulat, nasagip ng BRP Batangas ang walong mangingisda ngunit nasawi ang dalawa sa mga ito lulan ng FB Pacita sa bisinidad ng Manila Bay papasok sa Pampanga Sea. Agad na nilapatan ng lunas ng mga manggagamot ng PCG ang mga nailigtas dahil sa matinding gutom at uhaw na naranasan sa tatlong araw na palutang-lutang sa dagat. (Danilo Garcia)

AYON

CAPT

DANILO GARCIA

FRANCIS DIMAYACYAC

LUDY GALLARDO

MANILA BAY

MANILA YACHT CLUB

MARIO AZUL

Y LIMAHONG

Y TRI-STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with