Bomba sa basura: 2 paslit utas
September 30, 2006 | 12:00am
Agarang nasawi ang dalawang batang lalaki habang agaw-buhay naman ang isa pa makaraang masabugan ang mga ito ng grenade launcher na kanilang napulot sa bunton ng basura kahapon ng umaga sa Pasig City.
Halos malasog ang katawan dahil sa lakas ng pagsabog ang mga biktimang sina Jomer Torres at Jefferson Remorin, pawang 12-anyos, habang agaw-buhay naman ang kasama nilang si Mark Ferdinand Manalo, 9, pawang mga estudyante ng Manggahan Elem. School.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-10:15 ng umaga sa kanto ng Kaibigan Road at Kaginhawahan Sts., Karangalan Village, Brgy. Manggahan, Pasig City.
Nabanggit na kasalukuyang hinihintay ng mga biktima ang pagbubukas ng isang junk shop sa nasabing lugar upang ibenta ang mga napulot nilang plastik na kanilang naipon.
Nakakita sila ng isang bunton ng basura kaya napagkasunduan ng mga biktima na halukayin muna ang mga ito sa pagbabakasakaling may makukuha pang may mapapakinabangan. Doon nila nakita ang nasabing grenade launcher.
Dahil sa hindi alam ng mga biktima ang kanilang napulot, pinukpok ng mga ito ang grenade launcher upang makuha ang tanso sa dulo nito. Pero sumambulat ito.
Sa lakas ng pagsabog, pawang naputol ang mga kamay ng mga biktima at malubhang napinsala ang kanilang mga katawan. Sinubukan pang dalhin sa magkakahiwalay na pagamutan ang mga biktima pero dead-on-arrival na sina Torres at Remorin, habang agaw-buhay pa rin si Manalo sa Amang Rodriguez Medical Center.
Inaalam pa ng pulisya kung saan nanggaling ang nasabing grenade launcher at kung bakit ito napunta sa basurahan. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am
November 15, 2024 - 12:00am