^

Metro

Bawas boundary kapag bagyo at holiday, giit ng mga drivers

-
Libong mga drivers ng mga pampasaherong jeep at taxi, gayundin ng mga FX ang nanawagan sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na atasan ang kanilang mga operators na maibaba ang halaga ng kanilang boundary sa panahon na may bagyo o holiday.

Ayon sa mga nabanggit, dapat ikonsidera ng kanilang mga operators na maibaba ang kanilang mga boundary dahil sa kung panahon ng bagyo o holiday man, wala naman silang kinikitang malaki dahil wala namang gaanong pasahero bukod pa sa dinaranas na mga baha sa lansangan.

Kung maibababa nila ang kanilang boundary, malaking kagaangan sa kanilang araw-araw na kita ang anumang ibababang halaga na ire-remit na kita sa kanilang mga operators.

"Wala na talaga kaming kikitain, pagod na kami, tapos wala pang kita na dadalhin sa aming mga pamilya… walang pasahero kasi may bagyo at walang pasok ang mga eskuwelahan at gobyerno," pahayag ng mga ito.

Sa ngayon, wala rin namang naging tulong sa kanila ang bumabang halaga ng gasoline at diesel dahil wala naman silang seserbisyuhang maraming mga pasahero. (Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

BAGYO

BOUNDARY

CRUZ

KANILANG

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

LIBONG

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with