Frat war: Stude kritikal
September 28, 2006 | 12:00am
Kritikal ngayon ang isang estudyante nang saksakin ng mga kalabang miyembro ng isang fraternity sa rambol na naganap sa loob mismo ng compound ng pampublikong paaralan, kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila. Pilit na isinasalba ng mga manggagamot sa Ospital ng Sampaloc ang buhay ng biktimang si James Casili, 15, estudyante ng Ramon Magsaysay High School at residente ng Dos Castillas St., Sampaloc, Maynila. Patuloy namang kinikilala ngayon ang mga kabataang sumaksak sa biktima kung saan inaalam kung anong grupo kabilang ang mga ito.
Sa ulat ng MPD-Station 4 naganap ang rambol sa loob ng compound ng paaralan dakong alas-6 ng gabi kung saan nag-uuwian na ang mga estudyante. Ayon sa mga saksi, bigla na lamang umanong nagpalakpakan ang mga lalaking estudyante at bigla na lamang nagsalpukan. Hindi na nagawa pang maawat ng mga security guard ang may 20 estudyante na natigil lamang matapos na duguang bumagsak si Casili. Nagkanya-kanya naman nang takbuhan ang mga estudyanteng sangkot sa rambol matapos na makita ang duguang biktima. Ayon sa pulisya, posibleng ang pagiging maluwag sa seguridad sa loob ng paaralan ang ugat sa paglaki ng populasyon ng mga gangster at fraternity. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended