^

Metro

Mag-asawang ‘tulak’, arestado

-
Arestado ang mag-asawang bigtime na ‘tulak’ ng droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga kagawad ng pulisya, kamakalawa ng hapon sa Marikina City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Larry dela Cruz, 39 at asawa nitong si Dyesebel, alyas "Baby China", tinaguriang No. 1 ‘tulak’ sa nasabing lungsod at residente ng 645 Sitio Malanim, Brgy. dela Paz ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat, nadakma ang mga suspect dakong alas-4 ng hapon sa may Flamingo St., Midtown Subd., Brgy. Sta. Elena ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na isang pulis ang nagpanggap na posuer buyer upang kumuha ng malaking halaga ng shabu sa mag-asawang dela Cruz sakay ng kanilang Honda CRV-XSB-522.

Subalit ng maramdaman ng lalaking suspect ang presensya ng mga pulis ay agad nitong pinasakay ang kanyang asawa sa sasakyan upang tumakas. Nagkaroon ng maikling habulan sa pagitan ng mga suspect at pulisya at naaresto lang ang mga ito ng bumangga ang kotse ng una sa mobile car ng mga pulis. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ARESTADO

BABY CHINA

BRGY

CRUZ

EDWIN BALASA

FLAMINGO ST.

MARIKINA CITY

MIDTOWN SUBD

SITIO MALANIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with