^

Metro

Baywalk Bodies ipinaaresto

-
Matapos na makulong ng mahigit sa dalawang linggo sa Guam, posibleng sa Pilipinas naman mapiit ang anim na miyembro ng Baywalk Bodies. Ito ay matapos na magpalabas kahapon ng Warrant of Arrest kahapon ang Manila Regional Trial Court (RTC).

Kabilang sa mga pinapaaresto ni Manila RTC Branch 9 Judge Amelia Tria-Infante sina Ma. Eric Davantes alyas Mikaela Monteverde; Ma. Teresa Medalla a.k.a. Jeannette Joaquin; Milena Villacruz a.k.a. Ivory Ibañez; Karen Carillo a.k.a. Pantene Palamino; Victoria Santos a.k.a. Pantene Palma at Ma. Czarina Lan Rivera a.k.a. Lux Laurel na tatlong buwang buntis.

Wala namang inirekomendang piyansa ang korte laban sa anim na sexy starlets kahit na ang kaso nila ay grave scandal lamang.

Hindi naman napabilang sa kaso ang kanilang manager na si Lito de Guzman na siyang promoter ng ‘nude scandal’ sa Baywalk nang magsagawa ng pictorial ang mga ito sa harap ng publiko matapos na i-dismiss ng Manila Prosecutor’s Office ang kaso laban dito dahil sa hindi umano ito naghubad kundi ang kanyang mga alaga lamang.

Ang pagpapalabas ng warrant of arrest ay bunsod sa pagkabigo ng mga miyembro ng Baywalk Bodies na sumipot sa mga pagdinig sa korte ng ilang beses dahil sa kasong grave scandal na isinampa ni 6th District Councilor Greco Belgica. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

BAYWALK BODIES

CZARINA LAN RIVERA

DISTRICT COUNCILOR GRECO BELGICA

ERIC DAVANTES

GEMMA AMARGO-GARCIA

IVORY IBA

JEANNETTE JOAQUIN

JUDGE AMELIA TRIA-INFANTE

KAREN CARILLO

LUX LAUREL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with