NFA nilooban, milyon natangay
September 27, 2006 | 12:00am
Pitong armadong kalalakihan na nagpanggap na mga pulis ang nanloob sa tanggapan ng National Food Authority (NFA) at nakatangay ng humigit- kumulang sa milyong pisong halaga makaraang igapos na parang baboy ang tatlong nakatalagang guwardiya, kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.
Kinilala ang mga biktimang guwardiya na sina Christian Pajarillo, 20; Rodelito Macahig, 28; at Emmanuel de Leon, 34, ng Lockheed Detective and Watchmen Security Agency.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong ala- 1:45 ng madaling-araw sa Uniden Warehouse na pinamamahalaan ng NFA, na matatagpuan sa FTI Complex, DBP Avenue, Brgy. Western Bicutan, Taguig City.
Base sa imbestigasyon, nabatid na ang pitong hindi nakikilalang mga suspect, na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril ay nagpanggap na mga alagad ng batas.
Biglang tinutukan ng mga suspect ang mga guwardya at saka nagdeklara ng holdap.
Dito puwersahang binuksan ng naturang mga holdaper ang vault na naglalaman ng cash na humigit-kumulang sa milyong pisong halaga.
Hanggang sa tumakas ang mga suspect na sakay ng isang get away car. Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng follow-up operation hinggil sa naturang kaso. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended