^

Metro

‘Magic Tubig’ hindi inirerekomenda ng DOH – Sec. Duque

-
Hindi inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang "Magic Tubig" bilang panlunas sa dengue at iba pang viral diseases.

Sa panayam kay Secretary Francisco Duque III, sinabi nito na hindi nila inirerekomenda ang pag-inom ng tinatawag na "Magic Tubig" dahilan sa wala umano itong scientific basis.

Bukod dito, hindi rin umano "credible" si Dr. Ladislao Yuchengco na magsalita tungkol dito dahil wala naman itong basehan upang sabihin na mabisang gamot ang "Magic Tubig" sa sakit na dengue.

Nilinaw din ng Kalihim na dapat bago magsalita ni Yuchengco patungkol sa dengue o anumang sakit ay magpaalam muna ito sa kanya.

Magugunitang ibinunyag ni Dr. Yuchengco ng DOH na walong dengue cases na ang napagaling ng "Magic Tubig" at kapsula kabilang ang 9-anyos na batang si Aileen na nasa stage 3 na ng dengue sa Rizal Provincial Hospital. Iisa ang naging epekto nito, makalipas ang 15 minutong pag-inom ng Sierra Madre water at kapsula ay maitim na dumi ang inilabas ng mga ito. Ito na raw ang toxins na dulot ng pagkakaroon ng corona virus na dala ng nakamamatay na lamok.

Pahayag pa ni Dr. Yuchengco na ang "Magic Water" ay matatagpuan lamang sa mayamang kabundukan ng Sierra Madre, ito ay natural na alkaline water na naglilinis sa lahat ng lason sa katawan.

Ayon sa kanya ang tubig na ngayon ay tinatawag na Sierra Madre capsule ay dumaan sa masusing pag-aaral ng Bureau of Food and Drugs at ng Dept. of Science and Technology.

Pero ang giit ng DOH hindi nila inirerekomenda ang kapsulang ito. (Gemma Amargo Garcia at Edwin Balasa)

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. LADISLAO YUCHENGCO

DR. YUCHENGCO

EDWIN BALASA

GEMMA AMARGO GARCIA

MAGIC TUBIG

MAGIC WATER

RIZAL PROVINCIAL HOSPITAL

SIERRA MADRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with