Nadiskubre ng mga barangay tanod ang bangkay ng lalaki na tinatayang nasa pagitan ng 30-35 anyos, may taas na 56 talampakan, kulot ang buhok at tadtad ng tattoo sa katawan dakong alas-2:30 ng madaling- araw sa may C-5 Road, Sitio Masigasig, Brgy. Western Bicutan.
Malaki ang paniwala ng pulisya na pinahirapan muna ang biktima bago ito tuluyang pinasalang sa pamamagitan ng paggarote.
Nakagapos patalikod ang dalawang kamay at mga paa nito at iniwan pa sa leeg ang nakapulupot na kahoy na ginamit na pang-garote.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Lordeth Bonilla)