^

Metro

Salvage victim, ginarote

-
Malupit ang sinapit na kamatayan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na matapos tadtarin ng saksak ay ginarote pa ang leeg bago itinapon sa madilim na lugar sa C-5 road kahapon ng madaling- araw sa Taguig City.

Nadiskubre ng mga barangay tanod ang bangkay ng lalaki na tinatayang nasa pagitan ng 30-35 anyos, may taas na 5’6 talampakan, kulot ang buhok at tadtad ng tattoo sa katawan dakong alas-2:30 ng madaling- araw sa may C-5 Road, Sitio Masigasig, Brgy. Western Bicutan.

Malaki ang paniwala ng pulisya na pinahirapan muna ang biktima bago ito tuluyang pinasalang sa pamamagitan ng paggarote.

Nakagapos patalikod ang dalawang kamay at mga paa nito at iniwan pa sa leeg ang nakapulupot na kahoy na ginamit na pang-garote.

Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BRGY

ISANG

LORDETH BONILLA

MALAKI

MALUPIT

NADISKUBRE

NAKAGAPOS

SITIO MASIGASIG

TAGUIG CITY

WESTERN BICUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with