Sa ulat ng City Health Dept. chief Ma. Loraine Sanchez ang mga barangay ay kabilang sa anim na distrito ng Maynila, ito ang mga barangay, 54, 20, 105, 104, 118, 51, 55, 173, 152, 199, 203, 205, 234, 364, 289, 310, 315, 369, 385, 453, 645, 656, 700, 702, 724, 780, 628, 836, 610 at barangay 504.
Nilinaw naman ni Sanchez na sa kabila ng naitalang bilang ng mga barangay na may mga kaso ng dengue bumaba naman sa 22 porsiyento ang dengue case sa lungsod kumpara noong nakalipas na taon.
Gayunman nananatili pa ring high risk ang mga barangay sa sakit na dengue dahil na rin sa ang mga lugar na ito ay madalas bahain at ang iba naman ay lubog pa rin hanggang ngayon sa tubig-ulan. (Gemma Amargo Garcia)