^

Metro

30 barangay sa Maynila,‘high risk’ sa dengue

-
Umaabot na sa 30 barangay sa Maynila ang idineklara ng Manila Health Department na "high risk" matapos na makapagtala ng 655 kaso ng dengue simula noong Enero hanggang ngayong buwan ng Setyembre.

Sa ulat ng City Health Dept. chief Ma. Loraine Sanchez ang mga barangay ay kabilang sa anim na distrito ng Maynila, ito ang mga barangay, 54, 20, 105, 104, 118, 51, 55, 173, 152, 199, 203, 205, 234, 364, 289, 310, 315, 369, 385, 453, 645, 656, 700, 702, 724, 780, 628, 836, 610 at barangay 504.

Nilinaw naman ni Sanchez na sa kabila ng naitalang bilang ng mga barangay na may mga kaso ng dengue bumaba naman sa 22 porsiyento ang dengue case sa lungsod kumpara noong nakalipas na taon.

Gayunman nananatili pa ring high risk ang mga barangay sa sakit na dengue dahil na rin sa ang mga lugar na ito ay madalas bahain at ang iba naman ay lubog pa rin hanggang ngayon sa tubig-ulan. (Gemma Amargo Garcia)

BARANGAY

CITY HEALTH DEPT

ENERO

GAYUNMAN

GEMMA AMARGO GARCIA

LORAINE SANCHEZ

MANILA HEALTH DEPARTMENT

MAYNILA

NILINAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with