^

Metro

Motibo sa pagpaslang sa chief security ni Binay, hindi pulitika

-
Hindi pulitika, kundi vendetta, nawawalang milyong pisong pondo at love triangle ang mga anggulong masusing binubusisi ng mga awtoridad kaugnay sa kasong pagpaslang sa chief security ni Makati Mayor Jejomar Binay na si Pablo Glean.

Nabatid kahapon kay Supt, Bernardo Tambaoan, OIC ng Southern Metro Manila Criminal Investigation and Detection Team, isa sa operatibang kasama sa Task Force Glean na sinantabi nila ang anggulong pulitika taliwas sa naging pahayag ni Binay kaugnay sa pagpaslang kay Glean noong nakaraang Sabado sa Global City sa Fort Bonifacio sa Taguig City.

Mas lamang umano ang anggulo ng paghihiganti, nawawalang milyong pisong pondo sa Philippine Guardian Brotherhood Inc. at love triangle ang mga nakalap nilang impormasyon kaugnay sa naganap na krimen.

Nabatid pa sa isinagawang pagsisiyasat na ang nasawi ay may mga kasong murder, frustrated murder sa Trece Martirez City sa Cavite noong 1987; physical injuries naman sa Brgy. Guadalupe, Makati City.

Natuklasan din ang nawawalang milyong pondo ng Guardian matapos na magkaroon ng auditing dito.

Sa anggulo ng love triangle, sinasabing ilan ding babae ang naging karelasyon ni Glean. (Lordeth Bonilla)

BERNARDO TAMBAOAN

FORT BONIFACIO

GLOBAL CITY

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI MAYOR JEJOMAR BINAY

NABATID

PABLO GLEAN

PHILIPPINE GUARDIAN BROTHERHOOD INC

SOUTHERN METRO MANILA CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with