^

Metro

4 sugatan sa amok

-
Pawang nasa kritikal na kondisyon ngayon sa pagamutan ang apat na magkukumpare makaraang pagtatagain ng nag-amok nilang kainuman, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nasa intensive care unit (ICU) ng Tala General Hospital sanhi ng mga taga sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Lorenzo Rivera, 44; Fernanditas Quintas, 25; Eduardo Severino, 24 at Marvin Yanga, 29, pawang mga residente ng 665 Bagumbong ng nabanggit na lungsod.

Arestado naman at kasalukuyang nahaharap sa kasong 4 counts of frustrated homicide ang suspect na si Danilo Misa, 53 ng Block 3 Lot 5 Sagrado Ville, Caloocan City.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa loob mismo ng bahay ng suspect sa nabanggit na lugar.

Nabatid na masaya pang nag-iinuman ang mga biktima kasama ang suspect at dala ng matinding kalasingan ay nagsisigawan ang mga biktima. Sinaway ang mga ito ng suspect na hindi naman pinansin ng mga biktima.

Dahil dito ay nagwala ang suspect at dali-daling kumuha ng matalas na jungle bolo at isa-isang pinagtataga ang kanyang mga kainuman. Mabilis namang nakaresponde ang mga awtoridad at nadakip ang suspect. (Rose Tamayo-Tesoro)

CALOOCAN CITY

DANILO MISA

EDUARDO SEVERINO

FERNANDITAS QUINTAS

LORENZO RIVERA

MARVIN YANGA

ROSE TAMAYO-TESORO

SAGRADO VILLE

TALA GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with