^

Metro

Utak sa nakawan ng shabu sa PDEA, kinasuhan na

-
Sinampahan na kahapon ng kasong kriminal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City Prosecutors Office ang utak sa pagpupuslit ng pitong kilo ng shabu na nasa evidence room ng naturang ahensiya sa nabanggit na lungsod.

Ang kinasuhan ay si Supt. Jerome Mutia at wala namang inirekomendang piyansa ang korte laban dito.

Si Mutia ay naaresto noong nakaraang Lunes sa aktong magdadala sana ng 125 gramo ng shabu para sa isang hindi pinangalanang buyer sa loob ng SM mall sa Fairview, Quezon City.

Ang tatlo pang suspect na sina PO1 Jofredo Padillo at PDEA security guard na sina Jean Granada at Oliver Fernandez na kasamang nadakip ay nakatakda na ring sampahan ng kaukulang kaso sa korte.

Ibinunyag ni Granada na si Mutia ang utak sa naganap na nakawan ng pitong kilo ng shabu na may halagang P35-milyon na biglang naglaho na parang bula sa loob ng bodega ng PDEA noong umaga ng Agosto 21, 2006. (Angie dela Cruz)

AGOSTO

ANGIE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JEAN GRANADA

JEROME MUTIA

JOFREDO PADILLO

OLIVER FERNANDEZ

QUEZON CITY

QUEZON CITY PROSECUTORS OFFICE

SI MUTIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with