^

Metro

MRT, tumirik sa overloading

-
Bahagyang naantala ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT-3) kahapon ng umaga nang tumigil nang halos kalahating oras ang tatlong couch nito malapit sa Cubao Station sanhi ng overloading o labis na bilang ng mga pasahero.

Batay sa ulat na natanggap ni MRT General Manager Roberto Lastimoso, dakong alas-7:30 ng umaga nang huminto ang tatlong couch na galing Kamuning Station patungong Cubao matapos umanong magsakay ng sobra sa itinatalagang bilang ng mga pasahero.

Sa pagsisiyasat ng MRT Technical, nagkaroon ng "line contact failure" ang tatlong couch ng MRT o hindi paggana ng "safety switch".

Bunga nito, kinailangang pababain ang mga pasahero ng MRT bago maibalik ang operasyon nito. Napag-alaman na 3,000 lamang ang dapat na bilang ng mga pasahero ng MRT sa isang biyahe nito sa kahabaan ng EDSA subalit umabot ito sa 4,000 kahapon ng umaga.

Inamin ni Lastimoso na walang sapat na pondo para sa maintenance nito kung kaya’t nagkakaroon ng problemang tulad nito.

Nabatid na ang MRT ay ginawa upang makapagsakay lamang ng 350,000 pasahero kada araw subalit umaabot na ito sa 430,000. (Edwin Balasa)

BAHAGYANG

BATAY

BUNGA

CUBAO

CUBAO STATION

EDWIN BALASA

GENERAL MANAGER ROBERTO LASTIMOSO

KAMUNING STATION

METRO RAIL TRANSIT

MRT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with