^

Metro

‘Task Force Glean’ binuo

-
Isang task force ang inilunsad kahapon ng Southern Police District Office (SPDO) upang mamahala sa pag-iimbestiga sa kasong pagpatay sa chief security ni Makati City Mayor Jejomar Binay na si Pablo "Lito" Glean.

Kasabay nito inilabas na rin kahapon ng pulisya ang cartographic sketch ng tatlo sa apat na suspect na nakapatay kay Glean, na hepe rin ng Business Permit at Licensing Office ng Makati City hall.

Tinitingnan din ng pulisya ang anggulo hinggil sa pagiging miyembro ng biktima ng Philippine Guardian Brotherhood Inc. Ayon kay SPDO Director, Sr. Supt. Ricardo Padilla, ang naturang task force ay tinawag nilang Task Force Glean, ay kinabibilangan ng mga kagawad ng Taguig at Makati City Police.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng kaso, inilabas na rin ng Taguig City Police ang cartographic sketch ng tatlo sa apat na suspect na sangkot sa krimen.

Matatandaang naganap ang insidente noong Sabado, dakong alas-7:30 ng umaga habang nagkakape si Glean kasama ang ka miyembro nito sa Bagwis Riders sa Shell-Select sa Global City, Fort Bonifacio, Taguig City. Walang sabi-sabi itong nilapitan at pinagbabaril ng mga suspect na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Nadamay at nasawi rin sa insidente ang isang guwardiya sa nabanggit na gasoline station, habang tatlo pa ang malubhang nasugatan. (Lordeth Bonilla)

BAGWIS RIDERS

BUSINESS PERMIT

FORT BONIFACIO

GLOBAL CITY

LICENSING OFFICE

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY MAYOR JEJOMAR BINAY

MAKATI CITY POLICE

PHILIPPINE GUARDIAN BROTHERHOOD INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with