Gunman pa ni Orsolino timbog
September 19, 2006 | 12:00am
Nadakip na ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang isa pang jail guard na sinasabing gunman sa Orsolino ambush-slay makaraang inguso ito ng ilang concerned citizens at lusubin ng pulisya ang pinagtataguang safehouse, kamakalawa ng gabi sa Laguna.
Nakilala ang nadakip na si JO2 Rommel Lirasan, 33, tubong Dumaguete City at residente ng Dasmarinas, Cavite.
Si Lirasan ay dating nakatalaga sa Cainta Municipal Jail at nag-AWOL mula nang madawit sa pagpaslang sa photo-journalist na si Albert Orsolino.
Batay sa ulat, si Lirasan ay nadakip dakong alas-9 ng gabi sa safehouse nito sa Victoria, Laguna. Ito ay positibong kinilala ng mga saksi na isa sa bumaril at nakapatay sa nabanggit na mediaman.
Magugunita na pinagbabaril ng dalawang armadong kalalakihan si Orsolino, 51, ng pahayagang Saksi dakong alas-8:30 ng umaga noong Mayo 16, 2006 sa harapan ng isang gasolinahan sa Brgy. Letre, Caloocan City.
Unang nadakip ang kasamahan ni Lirasan na si JO2 Ramon Rivera ng Navotas Municipal Jail.
Isang masusing imbestigasyon naman ang isinasagawa ng pulisya upang matukoy at maaresto ang utak sa naturang pananambang. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended