Mason utas, 2 sugatan sa mag-utol na siga
September 18, 2006 | 12:00am
Patay ang isang lalaki habang dalawa naman ang sugatan matapos na pagbabarilin ng magkapatid na siga kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Natagpuang lumulutang sa creek ang bangkay ni Dodong Morales, 23, mason at residente ng Tatiangko St. Sta. Mesa, Maynila matapos na tamaan ng bala ng baril ng magkapatid na suspect na nakilala lamang sa mga pangalang Moy at Kiko.
Samantalang, nagtamo naman ng sugat si Andrew Abogado at isa pang kasama nito mula din sa pamamaril.
Ayon kay PO2 Jaime Jimena ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Division, dakong ala-1 kahapon ng madaling-araw nang makasalubong ng mga biktima ang magkapatid na suspect at bigla silang pagbabarilin.
Matapos na tamaan ng putok minabuti nilang tumakbo hanggang sa makapagtago. Subalit patuloy naman umanong hinabol ng mga suspect ang biktimang si Morales.
Dahil dito posibleng inabutan ng mga suspect si Morales at binaril at inihulog sa creek kung saan ito natagpuan ni Marlon Sarmiento na nangangalkal ng kahoy sa nasabing ilog. Pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspect habang inaalam pa rin ng mga ito ang tunay na motibo. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am