^

Metro

Nursing student, dedo sa holdap

-
Isang 3rd year nursing student ng Arellano University ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay matapos na manlaban sa dalawang holdaper kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Tatlong saksak sa katawan ang ikinamatay ng biktimang si Diana Divina, 21, ng no. 40 19th Avenue, Murphy, Cubao, Quezon City.

Sa ulat ni PO2 Leo Nino Pasco ng QCPD-CID, naganap ang insidente dakong alas 11 ng gabi sa panulukan ng Boni Serrano Ave. at Murphy, Cubao.

Naglalakad pauwi ang biktima nang biglang harangin ng dalawang suspect na sakay ng isang motorsiklo at saka tinutukan ang biktima kasabay ng pagkuha sa bag nito.

Subalit nanlaban ang biktima na nagbunsod upang undayan ito ng saksak ng mga suspect at saka mabilis na tumakas.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation at pagpapatrulya ang pulisya upang masakote ang mga suspect na madalas na nambibiktima sa lugar. (Doris Franche)

vuukle comment

ARELLANO UNIVERSITY

BONI SERRANO AVE

CUBAO

DIANA DIVINA

DORIS FRANCHE

ISANG

LEO NINO PASCO

NAGLALAKAD

NAGSASAGAWA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with