^

Metro

1 pa itinumba ng ‘vigilante’

-
Isang umano’y kilabot na miyembro ng holdup and robbery group ang pinaniniwalaang nilikida ng ‘vigilante death squad’, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Nakilala ang biktima sa pangalang Roniel Salud, 35, na nagtamo ng dalawang tama ng bala mula sa .45 kalibre ng baril sa ulo nito.

Batay sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa madilim na bahagi ng Dhalia corner Rosal St., Sampaguita Village, Caloocan City.

Narekober naman ng Scene of the Crime Operations (SOCO), ang tatlong empty shells ng .45 kalibre ng baril malapit sa bangkay ng biktima.

Isang sulat din ang natagpuan sa bangkay ng biktima na may nakasaad na "Mga kriminal lumabas na kayo ng Caloocan at ‘wag ninyo akong pamarisan.’

Nabatid pa na kilala umano ang biktima bilang isang kilabot na miyembro ng holdup and robbery group.

Gayunman, isang masusing imbestigasyon naman ang kasalukuyang isinasagawa ng pulisya hinggil sa nasabing krimen. (Rose- Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

BATAY

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DHALIA

ISANG

RONIEL SALUD

ROSAL ST.

SAMPAGUITA VILLAGE

SCENE OF THE CRIME OPERATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with