^

Metro

‘10 in 1’ pekeng CDs, DVDs nagkalat sa Caloocan

-
Talamak ngayon ang bentahan ng ‘10 in 1’ na mga pirated compact at digital compact disks ng mga local at international films sa mga pangunahing kalye at malls sa Caloocan City, ito ay taliwas sa lalong pinahigpit na hakbang ng Optical Media Board (OMB) laban dito.

Kung dati ay isang pelikula lamang ang mapapanood o laman sa isang pirated CD at DVD, ngayon ay sampung pelikula na at tinawag itong "10 in 1".

Bukod dito, todong bagsak presyo ang bentahan ng mga pirated copies ng mga CDs at DVDs.

Sa panayam sa isang vendor P80 lamang ang bigayan sa bawat pirated copy ng ‘10 in 1’ CDs at DVDs kaya lalong dinudumog ang betahan.

Partikular na makikita ang nagkalat na mga piratang ‘10 in 1’ sa kahabaan ng Sangandaan, Monumento, Rizal Avenue at mga malls sa Caloocan City at iba pang karatig lugar nito sa CAMANAVA area. (Rose Tamayo-Tesoro)

BUKOD

CALOOCAN CITY

MONUMENTO

OPTICAL MEDIA BOARD

PARTIKULAR

RIZAL AVENUE

ROSE TAMAYO-TESORO

SANGANDAAN

TALAMAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with