Sinuspinde, isinailalim sa imbestigasyon: QC cop sabit sa ‘chop-chop’

Sinuspinde at isinailalim na kahapon sa masusing imbestigasyon ang isang kagawad ng Quezon City Police District na idinadawit sa insidente ng "chop-chop" sa nabanggit na lungsod.

Kinilala ang pulis na si PO1 Virgilio Jarubal, nakatalaga sa Police Intelligence Division na itinuturong sangkot sa pagdukot at pag-chop-chop sa dalawang katao.

Base sa pahayag ng mga kaanak ng mga biktimang sina Dennis Dimaano, 27; at Roberto Untalan, 52, kapwa ng Brgy. Bago Bantay, sapilitang isinakay sa isang kotse ng nabanggit na pulis at mga kasama nito ang dalawang biktima bago kinabukasan ay natagpuan ang putul-putol na katawan ng mga ito na ikinalat sa iba’t ibang lugar sa lungsod.

Tikom naman ang bibig ng mga kaanak ng biktima kung ano ang posibleng atraso ng mga tsinap-chop sa nasabing suspect na pulis.

Inaalam pa ng pulisya, kung sinu-sino pa ang posibleng mga kasama ni Jarubal sa isinagawang krimen.

Show comments