^

Metro

Salvage victim natagpuan sa Maynila

-
Isang lalaki na may alyas na "Vina Morales" ang natagpuang patay sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan kahapon ng umaga sa Quiapo, Maynila.

Inaalam pa ng pulisya ang tunay ng pangalan ng biktima na nasa gulang na 20-25 anyos, may taas na 5’4 talampakan, payat, maputi. Kapuna-puna rin ang pangalang "Vina Morales" na naka-tattoo sa palibot ng kanyang pusod.

Ayon sa ulat, dakong alas-10 ng umaga nang matagpuan ang bangkay sa harapan ng Colex Merchandise Hardware sa 840 Arlegui St., Quiapo.

Nadiskubre ito ni Jessan Chua, 45, helper sa nasabing hardware nang makitang biglang bumagsak ang biktima sa harapan ng kanilang tindahan.

Isa sa teorya ng pulisya sa naturang krimen ay ang anggulong onsehan sa droga na siyang talamak sa lugar at maging panghoholdap. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso. (Danilo Garcia)

ARLEGUI ST.

AYON

COLEX MERCHANDISE HARDWARE

DANILO GARCIA

INAALAM

ISA

ISANG

JESSAN CHUA

KAPUNA

VINA MORALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with