^

Metro

P6.3M na kontrabando nasamsam ng PNP

-
Umaabot sa P6.3 milyong halaga ng ipinuslit na ceramic tiles, resin at speakers ang nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) Anti-Smuggling Task Group (ASTG) sa operasyon kahapon ng umaga sa Navotas, Metro Manila.

Sa isinumiteng report kahapon ni PNP-ASTG Executive Officer Sr. Supt. Don Montenegro kay PNP-ASTG Commander P/Director Jesus Versoza, ang mga kontrabando ay lulan ng anim pang container vans. Sinasabing bahagi ito ng 18 container vans na naunang nasabat ng PNP-ASTG sa kanilang mga operasyon.

Ayon kay Montenegro, ang naturang mga container vans ay naglalaman ng hindi deklaradong ceramic tiles at resin mula sa Hong Kong at nakatakda sanang ilagak sa bodega ng Customs sa Pasig City subalit dinala ito sa Navotas, Manila na kanilang nasabat dakong alas-7 ng umaga.

Ang tatlong container vans ay nakapangalan sa EFX International Trading Corp. na matatagpuan sa 1139 Mendoza St., Otis, Paco, Manila habang ang broker nito ay ang GB Hernandez Customs na matatagpuan sa 7890 Ninoy Aquino Avenue, Parañaque City. Ang mga resin naman ay nakapangalan sa Golden Star International Co. and Seatraders Logistics and Warehousing Inc. na ibrinoker ng isang nagngangalang Elmer Albis. (Joy Cantos)

ANTI-SMUGGLING TASK GROUP

COMMANDER P

DIRECTOR JESUS VERSOZA

DON MONTENEGRO

ELMER ALBIS

EXECUTIVE OFFICER SR. SUPT

GOLDEN STAR INTERNATIONAL CO

HERNANDEZ CUSTOMS

HONG KONG

INTERNATIONAL TRADING CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with