Asst. coach ng UST football team, nagbigti
September 13, 2006 | 12:00am
Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang assistant coach ng womens football team ng University of Santo Tomas dahil sa hinihinalang problema sa pag-ibig sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Patay na nang idating sa UST Hospital ang biktima na nakilalang si Russel Quiro-Quiro , 27, residente ng 745 A.H. Lacson St., Sampaloc, Maynila.
Batay sa imbestigasyon ni Det. Carlos Santos, ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong alas-7:30 ng gabi na nakabitin gamit ang isang nylon cord sa pintuan ng kanyang kuwarto sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan.
Lumilitaw na binisita umano nina Donelyn Mendoza, estudyante ng UST at miyembro ng UST Football Womens Team at isang Nelson Guillermo si Quiro-Quiro nang matagpuan nila ang bangkay nito. Isinugod pa ng dalawa sa pagamutan ang coach subalit hindi na ito umabot ng buhay.
Isa namang text message buhat sa cellphone ng biktima para sa nobya nito ang nakalap ng pulisya kung saan nabuo ang teorya na maaaring problema sa pag-ibig o "third party" sa kanilang relasyon ang ugat sa pagpapatiwakal.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended