Tensyon sa Pasay muling sumiklab
September 12, 2006 | 12:00am
Sumiklab ang gulo sa harapan ng Pasay City Hall makaraang harangin ng mga riot policemen mula sa Southern Police District (SPD) ang mga supporters ni suspended Mayor Wenceslao "Peewee" Trinidad na nagtangkang magtipong muli sa harapan ng naturang gusali kahapon ng umaga.
Nagtulakan, paluan at nagkasuntukan ang magkabilang panig na nagresulta sa pagkakadakip ng pulisya kay Allan Pensan, 35, dating barangay tanod at residente ng 21 Kampi Association, Kalayaan, Pasay na kilalang supporter ni Mayor Trinidad.
Inireklamo naman ni Pensan sa pulisya sina PO2s Ronald Gabaen at Darwin Allas, PO1s Fidel Aganus at Marlon Llegado, pawang mga nakatalaga sa Taguig City Station at miyembro ng SPD Crowd Dispersal Management Contingent na umanoy nagtulung-tulong sa panggugulpi at pamamalo sa kanya na nagresulta sa pagkakaroon niya ng mga pasa at sugat sa mukha at ibang bahagi ng katawan.
Sa reklamo naman ng pulis, inihayag nila na tinulak at pinagsusuntok sila ni Pensan nang tangkain ng grupo nito na buwagin ang kanilang hanay. Direct assault ang kasong isinampa ng apat na pulis laban kay Pensan samantalang physical injuries naman ang iginanting kaso ng huli laban sa mga pulis.
Kaugnay nitoy binoykot naman ng mga department heads at bureau chiefs ang isinagawang flag ceremony na pinangunahan ni Acting City Mayor Allan Panaligan dakong alas-7:30 ng umaga kahapon. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am