^

Metro

Paglilitis sa kaso ni Nida lalong matatagalan

-
Posibleng matagalan pa ang pagresolba ng Department of Justice (DoJ) sa kaso ng pagpaslang sa aktres na si Nida Blanca. Ito’y makaraang magbitiw ang kasalukuyang panel of prosecutors na may hawak sa nasabing kaso.

Batay sa resignation letter na isinumite kay Secretary Raul Gonzalez ng panel na pinangungunahan ni Assist. Chief State Prosecutor Leah Tanodra-Armamento, kasama sina Senior State Prosecutor Theodore Villanueva, State Prosecutor Rolando Ramirez at State Prosecutor Christine Perolino sinabi ng mga ito na ang kanilang pagbibitiw ay bunsod ng naging kahilingan ni Kaye Torres, anak ng aktres na mag resign sa panel si ACSP Tanodra-Armamento.

Ipinaliwanag ng panel na sa kabila na sumang-ayon ang panel sa opinyon ni Secretary Gonzalez na walang awtoridad para diktahan ang DOJ kung sino man ang itatalagang prosecutors na hahawak sa kaso ng pinaslang na aktres, naniniwala ang grupo ng mga prosecutor na kailangan ang magandang relasyon sa pagitan ng prosecution at private complainant. Hindi umano nakikita ng panel ang maayos na pakikitungo ng private complainant na si Torres.

Bunga nito’y nagpasya na rin ang tatlo pang miyembro ng panel na magbitiw sa paghawak ng kaso sa Blanca murder.

Ayon pa sa source, sinasabing nadidismaya na rin ang mga state witness kay Kaye Torres dahil tinutulungan na nila na maresolba ang kaso ay mistulang kinukuwestyon pa sila ng kampo ng anak ni Blanca. (Grace Amargo dela Cruz)

CHIEF STATE PROSECUTOR LEAH TANODRA-ARMAMENTO

DEPARTMENT OF JUSTICE

GRACE AMARGO

KAYE TORRES

NIDA BLANCA

PANEL

SECRETARY GONZALEZ

SECRETARY RAUL GONZALEZ

SENIOR STATE PROSECUTOR THEODORE VILLANUEVA

STATE PROSECUTOR CHRISTINE PEROLINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with