Dalagita patay sa Wild River ride sa Star City
September 12, 2006 | 12:00am
Butas ang lalamunan, bali ang kanang hita at nabugbog ang dibdib ng isang 12-anyos na dalagita na anak ng isang pulis-Maynila nang malaglag sa sinakyang rides sa Star City, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Nasawi dulot ng matinding sugat sa baba at leeg at pagkabali ng tadyang ang biktimang nakilalang si Rachel Gem Suba, high school student ng Arellano High School sa Maynila at residente ng 1021 Dagupan St., Tondo. Nabatid na ang biktima ay anak ni SPO3 Rodolfo Suba, nakatalaga sa MPD-Station 11 (Binondo).
Sa ulat ng Criminal Investigation Division (CID) Pasay City police, naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi sa Wild River Ride ng Star City sa may CCP Complex, Roxas Blvd., Pasay.
Ayon sa kasama ng biktima na si Shennien Manuel, sumakay sila ni Suba sa log boat no. 9 ng Wild River Ride na may taas na 38 talampakan. Nang nasa tuktok na ng ride at malapit nang bumulusok, nag-panic na umano ang biktima sanhi upang mawalan ito ng balanse na nagresulta sa kanyang pagkahulog.
Diretsong bumagsak si Suba sa bakal na railing ng naturang ride. Agad namang isinugod ng mga tauhan ng Star City ang biktima sa San Juan de Dios Hospital ngunit binawian rin ito nang buhay dakong alas-12:42 ng madaling-araw.
Tinitingnan ngayon ng Pasay Police ang posibleng pananagutan ng pamunuan ng Star City sa naturang insidente. Base sa inisyal na imbestigasyon, umiiyak na nagsabi umano si Suba sa mga operator ng naturang ride na ayaw na niya at gusto nang bumaba matapos ang unang ikot ngunit hindi ito pinansin.
Maaari ring sanhi ng naturang insidente ang kawalan ng safety belt ng Wild River Ride sa kabila na napakataas ng bulusok nito.
Sa panig naman ng Star City, sinabi ng mga ito na walang anumang depekto sa ride at ang nangyaring trahedya ay naganap dahil sa pagpapanik mismo ng biktima.
Gayunman, binanggit pa ng pamunuan nito na nakahanda silang ibigay ang lahat ng suporta sa pamilya ng nasawi. (Danilo Garcia at Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended