Summary dismissal vs 7 MPD cops
September 11, 2006 | 12:00am
Ipinag-utos kahapon ni PNP chief director General Oscar Calderon ang pagsasailalim sa "summary dismissal proceedings" laban sa pitong pulis-Maynila na sangkot sa P500,000 extortion sa isang Japanese trader.
Kasabay nito, isinailalim rin sa "restrictive custody" sa Regional Headquarters Support Group (RHSG) sa National Capital Region Police (NCRPO) ang nasabing mga tiwaling pulis para madali ang mga itong maiharap sa imbestigasyon.
Kinilala ang pitong pulis na sina Sr. Insp. Joselito Sta. Teresa, SPO2 Joselito dela Cruz, SPO2 Alfredo Ruiz, SPO1 Vicente Noriega, PO3 Teofilo Biong Jr., PO3 Alfredo Pacoma at PO2 Jaime Salonga na pawang nakatalaga sa District Police Intelligence Unit (DPIU) ng Manila Police District (MPD).
Ang pagsasailalim sa pre-charged investigation sa nasabing mga pulis ay inutos ni Calderon base sa reklamong extortion ng Japanese businessman na si Kazuaki Tomazawa ng Tokyo.
Sa reklamo ni Tomazawa na inaresto siya ng nabanggit na pitong pulis-Maynila noong Agosto 18, 2006 sa kanyang apartment sa Brgy. Valenzuela, Makati City na kanyang tinutulayan mula ng dumating siya sa Pilipinas galing Japan noong Hulyo 23 para bisitahin ang kanyang asawang Pinay at dalawang anak.
Dinala si Tomazawa ng mga pulis sa MPD Headquarters at ikinulong sa detention cell ng Theft and Robbery Section sa hindi mabatid na kaso.
Pinalaya lamang ng mga pulis si Tomazawa dakong alas-8 ng gabi makaraang magbigay ito ng P500,000. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest