Gayunman, pumalag na ang OAAP sa pagkalabog dito ng MMDA dahil sa naging sunud-sunod na aksidente sa lansangan na likha ng pagbagsak ng mga billboards na panganib sa buhay at sumisira ng mga ari-arian.
Ibinagsak naman ng outdoor advertisers ang paninisi sa kapabayaan sa trabaho ng mga opisyal ng Local Government Units (LGUs) at National Building Code officials na nagpapalusot sa konstruksiyon ng billboard frames sa lansangan.
Tahasang sinabi ni Carlo Llave, Vice Chairman ng OAAP na wala sa kanilang kapangyarihan ang mag-check ng structural safety sa mga itinatayong billboards sa kalsada.
Nilinaw naman nito na tungkulin nila na pagsabihan at paalalahanan ang mga miyembro ng OAAP na sumunod sa mga requirement na ipinatutupad ng gobyerno upang maiwasan ang pag-usbong ng anumang problema sa kanilang negosyo.
Ayon kay Llave, tumutupad sila sa mga regulasyon ng itinatayong mga billboards sa lansangan ng Metro Manila dahil nakikipag-ugnayan sila sa Department of Public Works and Highways at City Municipal Engineering offices.
Nabatid kay Structural Engr. Rey Taruc, miyembro ng National Structural Code of the Philippines, dapat aniya na ang mga billboards ay matibay at kayang tumayo sa gitna ng kalamidad subalit iginiit din na ang pagsusuri nito kaugnay sa stability ay nasa panig ng mga building officials. (Lordeth Bonilla)