5 preso huli sa aktong sumisinghot ng shabu sa selda
September 10, 2006 | 12:00am
Huli sa akto ang limang bilanggo habang sumisinghot ng shabu sa loob mismo ng Pasay City jail, kahapon ng umaga.
Sa ulat panibagong kaso ang kakaharapin ng mga bilanggo na sina Reynaldo Yano, mayor ng "Sigue-Sigue Sputnik Gang"; Roberto Sales; Ronaldo de Leon; Dante Manilang at Edgardo Santos, na pawang nakakulong sa selda 2 at 3 sa Pasay City jail.
Ayon pa sa ulat, una nang nakatanggap ng tip mula sa kanilang asset ang mga jailguard na nagsasagawa ng pot session ang mga nabanggit na inmate sa conjugal room sa ikatlong palapag ng Pasay City jail.
Dakong alas-11 ng umaga nagsagawa ng pagsalakay ang mga kagawad ng BJMP at doon nga naaktuhan ang mga ito na sumisinghot ng shabu. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am