Chief ng treasurers office ng Maynila, suspendido rin
September 9, 2006 | 12:00am
Isasailalim na rin sa preventive suspension ni Manila Acting Mayor Danilo Lacuna si Liberty Toledo, hepe ng Manila Treasurers Office matapos itong bumagsak sa lifestyle check ng Department of Finance (DoF) at suspendihin ng Ombudsman.
Ayon kay Lacuna, tatlo hanggang anim na buwan ang kakaharaping suspensyon ni Toledo subalit hinihintay na lamang niya ang kautusan buhat sa Ombudsman para maipatupad ito. Matatandaan na sinampahan si Toledo ng mga kasong grave misconduct, graft, perjury, dishonesty at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standard ng Public Officials sa Ombudsman.
Base sa pagsisiyasat na isinagawa ng DoF hindi idineklarta ni Toledo sa kanyang mga assets ang kanyang condominium unit na nagkakahalaga ng P2 milyon, mamahaling sasakyan tulad ng Mitsubishi Pajero, Delica, Toyota Tamaraw FX at Toyota Vios. Nagsinungaling din umano si Toledo ng ideklara nito sa halagang P800, 000 ang kanyang apartment sa Sta. Ana subalit nadiskubre ng DoF na nagkakahalaga ito ng P10 milyon.
Tinangka ng PSN na kunan ng pahayag si Toledo subalit wala ito sa kanyang tanggapan. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest