Pulisya blangko pa rin sa pagkamatay ng lady executive
September 9, 2006 | 12:00am
Isinailalim na kahapon sa masusing awtopsiya ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ng Southern Police District (SPD) ang bangkay ng lady executive na natagpuang tadtad ng saksak sa katawan sa loob ng comfort room ng kanyang tanggapan sa Makati City, noong Miyerkules.
Dito malalaman kung sadya bang pinatay o nagpakamatay ang biktimang si Delia Castañeda Gutierrez, 51, presidente at executive officer ng Media G8Way Corp. at residente ng BF Homes, Parañaque City. Nagtamo ito ng limang saksak sa dibdib at may hiwa sa leeg mula sa 13-pulgadang kitchen knife na narekober sa crime scene.
Ayon kay Senior Inspector Gary Reyes, maaaring bukas pa nila makumpleto ang resulta ng awtopsiya at dito mabatid kung self inflicted ang mga sugat nito at may foul play sa pangyayari.
Kahapon din pormal na nagbigay ng pahayag sa pulisya ang mister ng nasawi na si Ibarra, 56, na nagsabing posibleng self inflicted nga ang tinamong mga sugat ng kanyang asawa, dahil nag-iisa lamang ito sa kanyang tanggapan ng maganap ang insidente. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended