^

Metro

Acting Mayor ng Pasay City, nakapasok na sa City Hall

-
Matapos ang ilang araw na krisis sa pulitika, nakapasok na sa gusali ng Pasay City Hall ang acting Mayor na si Councilor Allan Panaligan na dumaan sa niransak na pintuang bakal sa ikaapat na palapag ng gusali dahil sa nakabarikada pa rin ang mga taga-suporta ng sinuspindeng mayor na si Peewee Trinidad.

Dakong alas-9 ng umaga nang makapasok sa City Hall si Panaligan kasama ang kanyang bise-alkalde na si Councilor Alvin Tolentino, dalawa pang konsehal na sina Marlon Pesebre at RJ Cabrera.

Pansamantala munang mag-uupisina si Panaligan sa Councilor’s Lounge habang naka-padlock ang Office of the Mayor, ang iniwang tanggapan ni Trinidad.

Kasabay nito, binalaan ng pamunuan ng DILG ang mga banko at negosyo sa lungsod na huwag nang magsagawa ng transaksyon sa suspendidong mayor. Hindi umano kikilalanin ng pamahalaan ang anumang tseke at dokumento na nilagdaan ni Trinidad at 11 pang opisyal sa Pasay. (Lordeth Bonilla at Angie dela Cruz)
Mayor Peewee bigo sa TRO
Samantala, nabigo si Pasay City Mayor Peewee Trinidad sa kahilingan nito sa Court of Appeals (CA) na magpalabas sa lalong madaling panahon ng temporary restraining order laban sa suspension order sa kanya ng Ombudsman.

Sa halip, nagpasya ang CA na bigyan ng pagkakataon ang Office of the Ombudsman na magkomento hinggil sa nabanggit na petisyon ni Trinidad. Ipinaliwanag ng CA na magtatagal ang pagresolba sa petisyon ni Trinidad dahil may magkakahiwalay ring petisyong isinampa ang iba pa niyang mga kasamahan na nasuspinde rin ng Ombudsman. (Grace dela Cruz)

CITY HALL

COUNCILOR ALLAN PANALIGAN

COUNCILOR ALVIN TOLENTINO

COURT OF APPEALS

CRUZ

LORDETH BONILLA

MARLON PESEBRE

MAYOR PEEWEE

OFFICE OF THE MAYOR

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with