^

Metro

Grade 3 pupil binigti ng kadena ng aso

- Angie dela Cruz, -
Nagpakamatay o pinatay?

Ito ang dalawang anggulong sinisiyasat ng pulisya makaraang matagpuan ang isang grade-3 pupil na nakabigti ng kadena ng aso at nakasabit sa gate na bakal ng kanilang bahay, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Nakilala ang nasawi na si Rodel Dugay, 11, mag-aaral sa Moonwalk Elementary School.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Las Piñas City Police, dakong alas-7 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakabitin mismo sa harapan ng gate na bakal ng kanilang bahay sa #26 Vanguard St., Brgy. Talon 5, ng nabanggit na lungsod.

Natagpuan ito ng kanilang kapitbahay na nakilalang si Dr. Tatad.

Kadena ng aso na nakatali sa leeg ng paslit at nakasabit sa gate ang ginamit sa pagbigti rito.

Nabatid na naiwan itong mag-isa sa bahay ng kanyang mga magulang.

Dalawang anggulo ang binibigyang pansin ng mga awtoridad, kung ito ba ay nagpakamatay o sinadyang bigtihin ng mga hinihinalang magnanakaw na posibleng nanloob sa kanilang bahay.

vuukle comment

BRGY

CITY POLICE

DALAWANG

DR. TATAD

KADENA

LAS PI

MOONWALK ELEMENTARY SCHOOL

RODEL DUGAY

VANGUARD ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with