^

Metro

Tauhan ng Navy, patay sa ambush

-
Isang tauhan ng Phil. Navy ang nasawi matapos itong tambangan ng dalawang armadong kalalakihan habang nagbibisekleta papasok sa kanyang duty, kahapon ng umaga sa Taguig City.

Namatay noon din ang biktimang si RM3 Romeo Torred Jr., 37, nakatalaga sa PN Headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig City at residente ng Block 33, Lot 5, Phase 1, EP Housing, Brgy. Western Bicutan ng lungsod na ito. Nagtamo ito ng ilang tama ng bala ng baril sa ulo.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikillang mga suspect na lulan sa isang motorsiklo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:10 ng umaga sa kahabaan ng Kakawati St., Brgy. Western Bicutan Taguig City habang binabagtas ng biktima ang lugar lulan naman ng kanyang mountain bike papasok sa trabaho.

Bigla umano itong hinarang ng mga suspect at walang sabi-sabing pinaulanan ng putok ng baril.

Hindi pa mabatid ng pulisya kung ano ang posibleng motibo sa isinagawang pagpaslang sa biktima, habang patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon at manhunt operation laban sa mga suspect. (Lordeth Bonilla)

BIGLA

BRGY

FORT BONIFACIO

ISANG

KAKAWATI ST.

LORDETH BONILLA

ROMEO TORRED JR.

TAGUIG CITY

WESTERN BICUTAN

WESTERN BICUTAN TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with