^

Metro

‘Sex-palit drugs’ sa mga sementeryo talamak pa rin

-
Talamak pa rin ang tinatawag na ‘sex palit drugs’ na kinasasangkutan ng ilang mga kabataan partikular na ang mga out of school youth sa Caloocan at Malabon City na namumugad sa mga sementeryo sa nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat, hindi pa rin nalalansag ng mga awtoridad ang sindikato o mga personalidad na nasa likod ng ilegal na operasyon dahil hindi pa nahuhuli ang sinasabing supplier ng droga at lider ng sindikato na humahawak sa mga kabataang ito.

Nakatakas sa isinagawang raid ng NPD operatives noong nakaraang buwan sa Sangandaan Cemetery sa Caloocan ang itinuturong utak ng sindikato.

Sa nasabing raid maraming bilang ng mga menor-de-edad na karamihan ay mga kababaihan ang nasakote ng pulisya, bagamat nabigo ang mga ito na malambat ang supplier ng droga.

Isang sindikato umano ang humahawak sa mga kabataang ito na nagsu-supply ng solvent at drugs sa mga kabataan kapalit ng libreng pakikipagtalik na lantarang ginagawa sa mga nitso sa sementeryo.

Base sa talaan ng pulisya sa CAMANAVA area na mataas ang bilang ng krimen dito na kinasasangkutan ng mga napapariwarang kabataan.

Dapat na rin umanong kumilos hindi lamang ang pulisya kundi maging ang mga opisyal sa pamahalaang lungsod. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

BATAY

CALOOCAN

DAPAT

ISANG

MALABON CITY

NAKATAKAS

ROSE TAMAYO-TESORO

SANGANDAAN CEMETERY

TALAMAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with