^

Metro

Bunso dedo, 2 kapatid kritikal

-
Makaraang magkapikunan sa pustahan sa sabong, inatado ang isang binata ng kanyang sariling pinsan gamit ang isang tare ng manok, habang sugatan naman ang dalawang kapatid ng una nang pati ang mga ito ay pagbalingan din ng suspect, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Patay na nang idating sa Ospital ng Makati ang biktimang si Roberto Abado, 40 at residente ng 9017 San Nicolas St., Brgy. Guadalupe Nuevo, nabanggit na lungsod makaraang magtamo ito ng siyam na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kasalukuyan namang ginagamot sa nabanggit na pagamutan ang dalawang kapatid ng nasawi na sina Redentor Abado, 49 at kapatid na babae na si Brigilda dela Cruz, 45.

Arestado naman at kasalukuyang nahaharap sa mga kasong murder at double frustrated homicide ang pinsan ng mga biktima na si Rossel Arguilles, 41 at residente ng 372 Panay St., Brgy. Pitogo, Makati City.

Batay sa ulat ng Makati City Police, dakong alas-6 ng gabi nang mangyari ang nasabing krimen sa 8929 Padua Compound, P. Victor St., Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati City.

Nabatid na unang nagkaroon ng tupada sa nabanggit na lugar at dito magkasama ang mga biktima at suspect na magkalabang pumusta sa sabong.

Natalo umano ng mga biktima ang suspect sa pustahan at nang mag-inuman na ang mga ito ay hindi naiwasang makantiyawan ng mga una ang huli hinggil sa pagkakatalo nito sa pustahan.

Dahil dito ay biglang nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga biktima at ng suspect na nagbunga sa pananaksak ng huli ng tare ng manok sa mga una.

Habang isinusugod sa pagamutan ang mga biktima ay agad namang naagapan ng mga rumespondeng pulis ang pagtakas ng suspect. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BRGY

GUADALUPE NUEVO

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

PADUA COMPOUND

PANAY ST.

REDENTOR ABADO

ROBERTO ABADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with