^

Metro

1 patay,1 sugatan sa kapitbahay

-
Nasawi ang isang mister, habang kritikal naman sa pagamutan ang kapitbahay nito nang kapwa ratratin ng kanilang ka-lugar na nairita sa ginawang pagsaway ng una sa ingay ng motorsiklo ng huli, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Patay na nang idating sa Fatima Gen. Hospital sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Ricardo Pascual, 40, driver, ng Vista Verde Subdivision, Brgy. 167 ng nabanggit na lungsod.

Kasalukuyan namang inoobserbahan sa pagamutan ang isa pang biktima na si Ricardo Soliman, 32, kapitbahay ng nasawi. Mabilis namang tumakas ang suspect na nakilalang si Wilson Maniego, alyas Abba, ng nabanggit ding lugar.

Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi sa kahabaan ng Amsterdam St., Vista Verde Subdivision. Unang nakikipag-inuman ang suspect sa ilang mga kaibigan nito nang bigla niyang pinaandar ang kanyang motorsiklo at saka inirebolusyon dahilan upang magising ang mga natutulog ng kapitbahay.

Lumabas ng bahay sina Pascual at Soliman para pagsabihan ang suspect subalit hindi pa man nakakalapit ang mga biktima ay kaagad na silang pinagbabaril ng lasing na suspect. Matapos ang pamamaril ay mabilis na pinasibad ng suspect ang motorsiklo at saka mabilis na tumakas. Target ito ngayon ng operasyon ng pulisya. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

AMSTERDAM ST.

BATAY

BRGY

CALOOCAN CITY

FATIMA GEN

RICARDO PASCUAL

RICARDO SOLIMAN

ROSE TAMAYO-TESORO

VISTA VERDE SUBDIVISION

WILSON MANIEGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with