^

Metro

Bise, 10 konsehal kasama rin: Mayor Peewee, sinuspinde

-
Sinuspinde ng tanggapan ng Ombudsman ng anim na buwan si Pasay City Mayor Peewee Trinidad, Vice-mayor Antonio Calixto at iba pang opisyales sa lungsod dahil sa maanomalyang kontrata na kinasasangkutan ng mga ito na umaabot sa halagang P464.6 milyon para sa taong 2004 at 2005.

Nahaharap din sa anim na buwang suspensyon ang mga konsehal ng Pasay na sina Richard Advincula, Lexter Ibay, Jose Antonio Roxas, Ma. Antonia Cuneta, Noel Bayona, Arnel Regino Arceo, Editha Vergel de Dios, Marie Irish Pineda, Generoso Cuneta at Greg Paolo Alcera.

Batay sa rekord, nagpasa ang Sangguniang Panglungsod ng Pasay noong Pebrero 6, 2004 ng isang resolusyon na nagdedeklara bilang imbalido sa lahat ng kontratang papasok sa taong 2004 dahil aprubado na ang budget.

Gayunman, nag-apruba pa rin ng ibang kontrata ang grupo ni Trinidad sa pagitan ng tatlo pang kompanya nang hindi idinaan sa public bidding.

Iginiit ng Ombudsman dapat sana’y mahigpit na ipinatupad ng pamahalaang lungsod ang umiiral na ordinansa partikular na ang may kinalaman sa public bidding. May sapat na dahilan umano upang isailalim sa suspensyon ang mga opisyal. (Angie dela Cruz)

ANTONIA CUNETA

ANTONIO CALIXTO

ARNEL REGINO ARCEO

EDITHA VERGEL

GENEROSO CUNETA

GREG PAOLO ALCERA

JOSE ANTONIO ROXAS

LEXTER IBAY

MARIE IRISH PINEDA

NOEL BAYONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with