P11.2 M puslit na mga karne nasabat sa Pier
August 29, 2006 | 12:00am
Umaabot sa 11.2 milyong pisong halaga ng mga smuggled na karne ng manok at baboy ang nasamsam ng mga tauhan ng PNP-Anti Smuggling Task Force matapos na maharang ang limang 40-footer container van sa isinagawang operasyon sa Port Area sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang naturang tanggapan hinggil sa talamak na smuggling ng mga karne ng manok at baboy na ipinupuslit umano sa exit gate ng Port Area, Manila.
Agad na nagsagawa ng surveillance operations ang mga operatiba ng PNP-ASTF at matapos ang dalawang araw na pagtugaygay ay nasabat ang limang container van na naglalaman ng milyun-milyong halaga ng smuggled na karne.
Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 2503 at 105 ng Tariff and Customs Trade of the Philippines laban sa mga importers at truckers ng nasabat na container van. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended