^

Metro

Gumagalang mga hayop isusubasta sa publiko

-
Hindi na isasailalim sa lethal injection gaya ng dati kundi ikukulong o isusubasta na lamang sa publiko ang mga aso, pusa at iba pang hayop na mahuhuling gumagala sa Navotas na hindi matutubos ng kanilang mga amo.

Ayon kay Gerry Doringo, public information officer ng Navotas, upang hindi umano mapasama ang mga alaga sa maisusubasta ay kailangang tubusin agad ang mga ito sa loob ng tatlong araw na walang multa ng kanilang mga amo. At kapag lumampas sa taning na tatlong araw ay magbabayad na ang mga ito ng multang P250 hanggang P500 pataas at kung hindi matubos ay tuluyan itong isusubasta sa publiko.

Ang bawat hayop umano na isusubasta ay may katumbas na presyo at ipapaalam din sa publiko ang takdang araw at lugar ng gaganaping public auction ng mga hayop.

Isang waiver o kasunduan din umano ang lalagdan ng isang residente na bibili sa anumang isusubastang hayop at kinakailangan nitong mangakong tutupad sa ipinapairal na ordinansa ng Navotas laban sa mga gumagalang hayop, upang maiwasan ang pagmumulta o parusang ipapataw.

Ang naturang hakbang ay isasagawa matapos na mapagtibay ang ordinansa bilang 2006-11 sa Navotas na nagbabawal sa mga aso at pusa at iba pang hayop na gumala sa nabanggit na bayan kahit pa man kasama ang kanilang mga amo.

Isang apartment na kayang magkulong ng daan-daang hayop ang ipinatayo ng lokal na pamahalaan sa Bagumbayan South na dito ilalagal ang mahuhuling hayop at 24-oras ding may tatao para mangalaga sa mga mahuhuling hayop. (Rose Tamayo-Tesoro)

AMO

AYON

BAGUMBAYAN SOUTH

GERRY DORINGO

HAYOP

ISANG

NAVOTAS

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with