Dalaga tumalon sa water tank, tigok
August 28, 2006 | 12:00am
Nagpatiwakal ang isang 25-anyos na dalaga sa pamamagitan ng pagtalon sa isang water tank na may 20-talampakan ang taas, kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Teresita Boncan, residente ng Las Pinas City.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong ala-1 ng madaling-araw nang tumalon ang biktima sa water tank ng Technical Officers Quarter Building sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Unang nakatanggap ng tawag ang Taguig City Police mula sa isang concerned citizen na may isang babae na umakyat sa nasabing water tank kung kayat agad na rumesponde ang mga ito upang pigilan sana ang huli.
Hindi na nagawa pang maawat ng nagrespondeng mga pulis ang biktima nang bigla na lamang itong tumalon buhat sa water tank, hanggang sa bumagsak ito sa sementadong flooring na naging sanhi ng kanyang pagkasawi.
Habang isinusulat ang balitang ito ay inaalam pa ng pulisya kung ano ang posibleng dahilan ng pagpapakamatay ng biktima. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended