^

Metro

Criminology stude, binoga sa ulo

-
Patay ang isang 23-anyos na graduating student makaraang pagbabarilin ito hanggang sa mapatay ng kanyang dating kaaway sa high school, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Mary Johnston Hospital sanhi ng isang tama sa ulo ang biktimang si Lester Munar, graduating student ng Philippine College of Criminology (PCCR), at residente ng 1412-A Juan Luna St., nabanggit na lungsod.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ang suspect na kinilala lamang sa alyas na "Ronnie Pokleng", 24-anyos at residente ng Fajardo St., Tondo, Maynila.

Batay sa report ni Det. Danilo Vidad, may hawak ng kaso, dakong alas-9 kamakalawa ng gabi nang maganap ang nasabing krimen malapit sa bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Kasalukuyan umanong nakasakay sa kanyang motorsiklo ang biktima, habang nakaparada ito at kausap ang isang kaibigan ay bigla na lamang lumapit sa kanya ang suspect na armado ng hindi pa nababatid na kalibre ng baril at agad na pinagbabaril ang una hanggang matamaan ito sa ulo.

May dating alitan ang suspect at ang biktima noong high school pa ang mga ito at naunahan lamang umano ng una na resbakan ang huli. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

A JUAN LUNA ST.

DANILO VIDAD

FAJARDO ST.

GEMMA AMARGO-GARCIA

KASALUKUYAN

LESTER MUNAR

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MAYNILA

PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY

RONNIE POKLENG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with