1 patay, 1 sugatan pamamaril sa QC

Isa ang nasawi, habang isa ang malubhang nasugatan sa naganap na pamamaril, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Ryn Rafol, 26, residente ng Samawing Compound, Maligaya Park Subd., Zabarte Road, Dulo, nabanggit na lungsod, samantalang kinilala naman ang nasugatan na si Ronald de Guzman, kapitbahay ng nasawi.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas10:30 ng gabi sa nabanggit na lugar. Nag-inuman umano ang mga biktima nang biglang dumating ang isang hindi nakikilalang suspect sakay ng isang tricycle at agad na pingbabaril ang mga ito. Habang kapwa duguang humandusay ang mga biktima ay agad namang tumakas ang suspect dala ang ginamit na armas. (Angie dela Cruz)

Show comments