P5-M fake signature bags nasamsam
August 27, 2006 | 12:00am
Sa kabila ng kampanya ng pamahalaan laban sa pagkalat ng mga pekeng produkto, lumalabas ngayon na talamak pa rin ito matapos na makumpiska ang may P5 milyong halaga ng mga pekeng signature bags sa Binondo, Maynila.
Sinalakay ng mga ahente ng NBI ang Jamabalaya General Merchandise sa Pasilio II sa Shipping Mall Annex Building, Sta. Elena St. at iba pang mga karatig establisimento nito na nagbunga sa pagkasamsam ng ibat ibang brand ng imported bags.
Ayon na rin sa NBI, pag-aari ng isang Shan Shan Go alyas "Janeth Marcelo" ang mga sinalakay na establisimento.
Napag-alaman na nag-ugat ang nasabing operasyon makaraang magreklamo ang mga kinatawan ng DKNY at Louis Vuitton sa talamak na bentahan ng mga fake signature bags sa Binondo.
Ang nasabing pagsalakay ay base na rin sa search warrant buhat sa sala ni Judge Reynaldo Ros ng Manila Regional Trial Court, Branch 33 na siyang nagpatibay upang salakayin ang mga establisimento ni Go. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended